TINIYAK ng Malakanyang na daragdagan ng pamahalaang Taiwan ang seguridad ng OFWs doon na nakararanas na ngayon ng panggigipit mula sa Taiwanese nationals.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, siniguro na sa kanila ng pamahalaang Taiwan na hindi na masasaktan pa ng Taiwanese nationals ang OFWs gaya ng napaulat dahilan upang kailanganin ng mga ito ang police protection dahil sa dinaranas na panggigipit tulad ng pagbabawal sa kanilang makasakay sa public transport at hindi pagbebenta ng mga pangunahing pangangailangan.
“We’re hoping that the incidents will not be repeated,” ani Usec. Valte.
Sa kabilang dako, walang dahilan para kulitin pa ng gobyerno ng Pilipinas ang Taiwan para hilingin na imbestigahan ang pag-atake ng mga Taiwanese nationals sa OFWs.
“I understand that our counterparts there are already working with the relevant ministries in Taiwan for the investigation of these attacks,” aniya pa rin.
Wala namang nakikitang dahilan pa ang Malakanyang na pakiusapan ang Taiwan government na ipatigil ang pag-atake sa OFWs.
“They have already manifested their intent to do so and I hope… We hope that with the move that they are supposed—that they are apparently ready to provide, the additional protection, we hope that these incidents will not be repeated again,” ani Usec. Valte.
Wala namang balak ang Malakanyang na kalampagin ang China na magpakahinahon sa pagbibigay ng pahayag na lalo lamang nagpapalala ng tension sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.