PATAY ang 82-anyos na lalaki at kanyang dalawang empleyada makaraang katayin ng kanyang sariling driver kagabi sa Batangas.
Kinilala ang biktima na si Armando, 82, kanyang mga empleyada na sina Cel Caringal at Ceslyn Macatangay.
Agad namang naaresto ang driver na si Neil Ashley Llama habang pinaghahanap ang kanyang kasabwat na si Angelito Panganiban.
Sa imbestigasyon, 10:30 kagabi nang balikan ng mga suspek ang amo saka pinagsasaksak matapos magkasamang naglasing.
Sinasabing dahil sa tsismis kaya nagawang patayin ng mga suspek ang tatlo.