Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Provisional proclamation may go signal

$
0
0

BINIGYAN na kahapon ng ‘go signal’ ng Commission on Elections (Comelec) ang mga local canvassing board na magsagawa ng provisional proclamation sa mga nananalong kandidatong malaki na ang lamang ng boto sa mga nakalaban nila sa katatapos na midterm elections nitong Lunes.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., kung sa tingin ng mga local canvassing board ay hindi na maaapektuhan ng natitirang boto na hindi pa nata-transmit o nabibilang, ang resulta ng halalan ay maaari nang iproklama ng mga ito ang mga nangungunang kandidato.

Magkakabisa aniya ito sa pamamagitan ng Resolution 9700 na aprubado na bagamat hindi pa nila ito napipirmahan sa ngayon.

Layunin aniya nito na mapabilis ang proklamasyon ngayong halalan.

Nabatid na noong 2010 automated elections ay kinakailangan ang 100% canvassing, ngayon ay hindi na ito ipatutupad.

“Noong 2010 kailangan 100% pero ngayon, pwede na ho silang mag-proclaim kung hindi na maaapektuhan nung natitirang boto ‘yung resulta.  Dati kailangan ng clearance sa’min, ngayon nagkakaroon ho ng problema ‘yung pag-isyu ng clearance kaya we’re coming out with the new resolution, ibabaligtad lang namin ‘yung proseso,” ani Brillantes.

Sinabi rin ni Brillantes na balido na ang provisional proclamation maliban kung may kumuwestyon o ipawalang-bisa ito ng Comelec.

“Kung tingin ng board ay hindi na siya (kandidato) aabutan, pwede na siyang mag-proclaim pero lalagyan niya ng, ‘This is a provisional proclamation subject to the final results,’ para magkakaroon na ho ng proklamasyon kasi nabibitin ho lahat ng tao e,” ayon pa kay Brillantes.

“Pag may provisional proclamation na, that provisional proclamation shall be a valid proclamation unless we annul naman dito. Kung wala, valid na ‘yun,” aniya pa.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>