ILANG mga problema pa rin ang nagsusulputan sa mga presinto tulad nang nawawalang mga pangalan ng mga botante sa ilang voters list sa kani-kanilang mga presinto sa lungsod ng Maynila.
Sa Sta.Mesa ,Maynila ay isang lalaki naman ang nagreklamo sa kanyang presinto dahil ang mga kandidato sa local na posisyon ay naka-shade na gayong hindi pa naman nito nase-shade.
Ibinalik nito ang nasabing balota at binigyan naman ng panibago ng BEI.
Sinabi naman ng BEI na okey lamang na bigyan ng isa pang balota ang botante dahil reject umano ang unang naibigay dito.