Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Heat kinarne ang Bulls

$
0
0

SINILO ng Miami Heat ang Chicago Bulls, 104-94 upang ilista ang 2-1 bentahe sa serye sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) second round playoff kaninang umaga.

Kumana si four-time MVP LeBron James ng 25 points, walong reounds at pitong assists upang itarak ang dalawang sunod na panalo ng defending champion Heat sa kanilang best-of-seven Eastern Conference semifinals.

Luhod ang Heat sa Game 1 sa kanilang lugar kaya naman nakabawi sila sa Game 3 kung saan ay sa Chicago ang labana.

Pumitas din si Chris Bosh ng 20 puntos, 19 rebounds at apat na assists habang si Norris Cole na isa sa pumutok sa fourth period ay nagtala ng 18 markers kasama ang 3-of-3 sa three-pointer.

Naging pisikalan ang laban kung saan ay sinalya ni Bulls bench player Nazr Mohammed sa sahig si basketball superstar LeBrong James.

”You can’t win a championship being pretty and shiny,” ani Bosh. ”You’re going to have to get dirty. You’re going to have to play physical. You’re going to have to dive on the floor. You’re going to have to do things that are extremely tough.”

Dahil sa insidente ay pinatalsik sa playing court si Mohammed sa second quarter.

Sa Chicago pa rin ilalaro ang Game 4 at pagkatapos sa Miami na ang Game 5.

Sino man ang manalo sa Heat at Bulls ay makakalaban sa Finals ng EC ang magwawagi sa pagitan ng New York Knicks at Indiana Pacers.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>