Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Clippers ginulat ng Magic

$
0
0

LAGLAG sa second spot ng Western Conference ang Los Angeles Clippers matapos silang gulatin ng Orlando Magic, 101-104 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Bumira si Aaron Afflalo ng 30 points upang tulungan ang Magic na sungkitin ang ika-13 panalo sa 36 na laban.

Isang mahalagang tres ang tinikada ni J.J. Redick upang ilista ng Magic ang unang lamang ng Orlando may 42 segundo na lang sa orasan.

Dahil sa pagkatalo ng Clippers natapos ang kanilang 13-game winning streak sa home at lasapin ang ika-siyam na kabiguan sa 37 laro.

”It wasn’t a letdown by us. Don’t try to take anything away from them,” wika Clippers guard Chris Paul. ”They made tough shot after tough shot. J.J. Reddick had a hand in his face half the time.”

Sinahugan pa ni Afflalo ang kanyang stats ng tig pitong rebounds at assists habang si Redick ay nag-ambag ng 21 point at tig tatlong boards at assists.

Samantala, dalawang koponan pa ang nasilat sa laro.

Tinalo ng Phoenix Suns ang Chicago Bulls, 97-81 habang tinambakan ng Dallas Mavericks ang Memphis Grizzlies, 104-83.

Sa ibang NBA resulta, matapos ang dalawang sunod na talo ay bumangon ang Miami Heat upang lasugin ang Sacramento Kings, 128-99.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>