Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Tropa tatapusin ang Gin Kings

$
0
0

PANIGURADONG ibubuhos ng Barangay Ginebra Gin Kings ang kanilang lakas upang humaba pa ang kanilang buhay sa nagaganap na PBA Commissioner’s Cup semifinals ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa delikadong posisyon ang crowd favorite Gin Kings dahil lamang ang Talk ‘N Text Tropang Texters, 1-2 sa kanilang best-of-five series.

Matapos manaig ng Barangay Ginebra sa Game 1 104-81 ay pumindot ang Tropang Texters ng dalawang panalo sa Game 2 at 3 upang mamuro ang huli sa pagsampa sa Finals.

Sa Game 1 at 2 ay si seven-foot Jerome Jordan ang import ng TNT subalit nagpalit sila sa Game 3 sa katauhan ni NBA D-League rookie-of-the-year at slum dunk champion Tony Mitchell.

Nagpakitang gilas agad si six-foot-five Mitchell nang talunin nila ang Ginebra, 98-80 sa kanyang debut game matapos magtala ng 29 points at 12 rebounds.
Mamayang alas 6:45 ng gabi ang kanilang laban.

Samantala, bukas naman ang Game 4 ng No. 1 seed Alaska Milk Aces at defending champion San Mig Coffee Mixers na gaganapin din sa nasabing lugar.
Lamang ang Aces sa serye, 2-1.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan