PINAPUTUKAN ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang isang government bus na may sakay na mga pasaherong menor de edad na kasali sa isang street dance competition sa Isabela province nitong Martes ng gabi (Mayo 8).
Hindi pa nakontento, tinaniman pa ng mga suspect ng mga matatalim na metal spikes ang dalawang unahang gulong ng naturang bus upang hindi ito makatakbo.
Sa kabutihang palad, wala namang tinamaan sa paulan ng mga bala pero na-trauma ang may 43 kabataan na sakay ng bus na paluwas na ng Maynila.
Sa ulat ng Santiago PNP, naganap ang insidente dakong 6:30 nitong Miyerkules ng gabi sa national road ng nasabing lunsod.
Ayon say tsuper ng bus na si Pepito Olatan, paluwas na sila sa Maynila mula sa pagsali sa isang dance street competition sa Isabela nang harangin sila ng isang sport utility van kasama ang apat pang sasakyan.
“Mayabang daw kami, pinagbabasag ang salamin namin … Sabi ng isa barilin lahat na gulong,” nanginginig na kuwento ni Olatan.
Nakuha ng mga basyo ng baril sa lugar.