IKINALUNGKOT ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang panibagong insidente ng pagdukot sa apat na UN peacekeepers sa Golan heights sa bansang Syria.
Ayon kay AFP spokesman Brig Gen Domingo Tutaan na napasabihan na nila ang pamilya ng apat na sundalong kabilang sa mga binihag.
Kasabay naman nito ang pagtanggi ni Tutaan sa pagkakakilanlan ng mga biktima, bagaman kinumpirma nito na isa ay opisyal ng Philippine army habang ang tatlo ay pawang mga enlisted personnel.
Ang apat na UN peacekeepers ay sinasabing dinukot ng mga rebeldeng Martyrs of Yarmouk habang nagpapatrolya sa bahagi ng Golan heights.
Ang grupong ito ang sinasabing siya ring dumukot sa 21 UN peacekeepers nitong nakalipas na buwan ng Marso na pinalaya din makalipas ang tatlong araw na pagkakabihag.