Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Money ban ng Comelec tinabla ng BSP

$
0
0

PORMAL nang sinimulan ng Commission on Elections (Comelec) kahapon (Mayo 8) ang implementasyon ng ‘money ban’ kaugnay sa May 13 midterm elections ngunit tumatanggi ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sumunod sa kautusan ng poll body dahil maaapektuhan umano nito ang normal na business at commercial transactions sa bansa.

Alinsunod sa Comelec Resolution 9688, ipinagbabawal ng Comelec ang pagwi-withdraw ng pera nang higit sa P100,000 kada araw upang maiwasan umano ang vote buying sa halalan.

Martes ng hapon nang ipalabas ng poll body ang resolusyon na nagsasaad rin nang pagbabawal sa pagbiyahe o pag-iingat at posesyon ng P500,000 na cash.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., layunin ng resolusyon na maiwasan ang vote buying lalo na nga’t nalalapit na ang halalan sa Lunes.

Kaugnay nito, magpapatupad rin ang Comelec ng money ban checkpoint, bilang karagdagan sa ipinatutupad nilang gun ban checkpoint.

Mahigpit naman ang pagtutol dito ng BSP at iginiit na maaapektuhan nito ang trading industry at posibleng lumabag rin sa bank secrecy.

“Limiting cash withdrawal and check clearing beyond [P100,000] may disrupt normal business and commercial transactions in the Philippines,” anang BSP, sa kalatas na inisyu nitong Martes ng gabi.

“The BSP is also constrained from enforcing the Comelec resolution because this would necessarily entail looking into bank deposit accounts. This is essentially unsound and in violation of Republic Act (R.A.) No. 1405, as amended (Secrecy on Peso deposits), and R.A. No. 6426 (Secrecy on foreign currency deposits),” dagdag pa nito.

Nilinaw naman ni Brillantes na cash withdrawals lamang ang kanilang kinukontrol at hindi kasama rito ang mga tseke kaya’t hindi aniya maaapektuhan ang trade and industry.

Paliwanag ni Brillantes, wala namang bumibili ng boto gamit ang tseke.

Kaugnay nito, nabatid na bukod sa money ban ay binibigyan rin ng kapangyarihan ng Resolution 9688 ang mga ordinaryong mamamayan na arestuhin ang mga vote buyers at mga vote sellers.

“Persons who committed, [are] actually committing or [are] attempting to commit vote-buying and vote-selling, an election offense, can be arrested by any law enforcement officer or private person without warrant,” anang resolusyon.

Nabatid na ito ang unang pagkakataon na nagpatupad ang Comelec ng money ban kaugnay sa eleksiyon.
Magtatagal ang money ban hanggang sa election day sa Lunes.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>