Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bodyguard ng customs chief namaril,’di kukunsintihin – Biazon

$
0
0

“MANANAGOT ang may sala, kahit tauhan ko pa siya!”

Ito ang mariing pahayag ni Customs Commissioner Ruffy Biazon tungkol sa kanyang security detail na isang miyembro ng Philippine Marines matapos itong mamaril ng tatlo katao sa mismong Liberal Party meeting ng kanyang amang si Sen.Pong Biazon sa lungsod ng Muntinlupa.

Kinilala ang suspek na si Marine Corporal Nelson Ray Lubrin,28 anyos  na securty escort ng nakababatang Biazon, habang ang mga biktima ng pamamaril ay mga security aide naman ng nakatatandang si Rep. Rodolfo Biazon na nakilalang sina Oscar Parahili,32 anyos ,Nilo Marollano 53 anyos at Victor Marollano,31,pawang mga residente ng Putatan,Muntinlupa.

Ayon sa pulisya, dakong alas 10 ng gabi nuong Abril 26 ay nagdaraos ng miting sina Biazon at mga kapartido sa isang covered court sa Soldiers Hills ,ng biglang umalingawngaw ang tatlong putok
ng baril kung saan makaraan ang ilang sandali ay nakabulagta na ang mga sugatang biktima na pinutukan n Lubrin na agad tumakas sa lugar.

itinakbo naman sa Asian Hospital ng Customs chief ang mga biktima kung saan ginagamot ang mga ito sa kasalukuyan. Makalipas ang walong oras ay isinuko ni Col.Fernando Gomez, assistant chief of staff for Intelligence ng Phil.Navy,ang suspek na si Lubrin sa Muntinlupa Police ,pati na ang baril nito na ginamit sa pamamaril.

Napag-alaman na ilang sandali bago naganap ang pamamaril ay pinagtulungan ng tatlong biktima na gulpihin ang suspek kayat napilitan itong bumunot ng baril at putukan ang mga ito.  Isang matagal ng altan ang nakikitang dahilan na namagitan sa mga ito na nauwi sa basag-ulo kahit nasa trabaho at nagbabatay ng kanilang mga amo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>